Long delayed assignment (tag ni Tito KU)
Kung teacher ko si Tito KU, siguradong bagsak na ako kasi non-compliance with class requirements itong ginawa ko. Hindi ko agad ginawa ang kanyang assignment na binigay, way back 17 October. Sorry talaga Tito KU ha? So heto na…huli man daw at magaling, naihahabol din (hingal…hingal).
Is It Really Bad to Stare?
Tulad din ni Tito KU, depende sa klase ng titig at sitwasyon. Halimbawa, yung titig na tulad ng sa Auntie ko – titig na nagdidisiplina. Yun yung titig na may subtext na “Behave! Pag hindi, patay ka sa akin pag tayong dalawa na lang”. Oks lang yung ganung titig kahit nanginginig ako sa takot.
Meron ding titig na ginagawa ang mga bata. Di ba madalas sinasabi ng mga magulang sa mga anak nilang may tinitigan na ibang tao: “Its bad to stare at other people”? Para sa akin, oks lang yun kasi ang mga bata ay may natural curiosity – its something new for them at gusto nilang maintindihan yung nakikita nila.
Siguro yung titig na very uncomfortable para sa akin ay yung titig na ginagawa ng mga adults pag may nakikitang disabled. Alam ko na natural reaction ay mapatingin sa isang disabled pero wag naman sanang katitigan.
Do You Have a Favorite Song?
Nakupow! Andami kong peboritong kanta, depende sa mood at sa sitwasyon. Sa ngayon, palagi kong pinapakinggan (aka flavour of the month) ang kantang Boulevard of Broken Dreams ng Green Day. Meron din naman akong all time favourites pero masyadong generic – tulad ng mga kanta nina James Taylor, The Sundays at Merril Bainbridge.
That's it pancit. Thank you. Bow. Ano kaya grade ko Tito KU?
K, will pass this queston on to Alvin (kamag-anak na sing-smart ko- teehee), Sil (ansipag kse magpost ng entry sa kanyang blog) at kay Dongskie (my peborit kumpadreskie – aherrmm…Merry Christmas my friend hehehe).
----------










